external image OPM-logo2.JPG?et=Ub2fti1xQqdIyA8b4RqKLw&nmid=217658359 Ang pinoy rock ay ang pagsasama ng estilo ng musika ng kanluran at ng kulturang Pilipino. Kahit sinasabi ng mga banyaga na "ginagaya" lang daw ng mga Pinoy ang musika nila, ang katotohanan ay kitang-kita ang pagka-Pilipino ng mga tinutugtog ng ating mga magagaling na musikero.
The Dawn
The Dawn


Kung ang Pinoy Rock ay isang kamay ng OPM, maari nating sabihin na ang Pinoy Rock ay may kanya-kanyang mga bahagi rin. Katulad ng rock ng mga dayuhan ay may mga sub-genre rin ang Pinoy rock. IIlang halimbawa nalang dito ang heavy metal, alternative, pop rock, at iba pa. Pero kahit pareho ang pareho man ang tono at ang paglaro ng instrumenta ay makikita pa rin ang pagka-Pinoy ng mga kanta sa mga sinasabi rito at sa mensahe na nais ipadala ng kanta.

Mahaba-haba na rin ang kasaysayan ng pinoy rock sa Pilipinas. Nagsimula ito noong dekada '60 dahil sa malaking impluensya ng mga banda na galing sa Britania katulad nalang ng The Beatles. Noong dekada '70 ay naging tatak na ang pinoy rock kaya napakarami ang mga sumikat sa larangan ng musika, iilan nalang dito sina Freddie Aguilar, Apo Hiking Society at si Pepe Smith. Noong 1980's naging sikat naman ang mga grupo katulad ng The Dawn. At sa kasalukuyan, ang mga sikat na banda ay ang Rivermaya, Hale, Kamikazee, atbp.

external image 300px-thedawn2.jpg
Apo Hiking Society
Apo Hiking Society

Pepe Smith
Pepe Smith